Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa; isa ng tropical storm ayon sa PAGASA

Bagyo sa labas ng bansa lumakas pa; isa ng tropical storm ayon sa PAGASA

Lumakas pa ang bagyong binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang bagyo ay isa ng tropical storm at mayroong international name na “Lan”.

Huli itong namataan sa layong 2,670 kilometers east northeast ng extreme Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, hindi naman ito inaasahang papasok sa bansa at hindi rin ito makakaapekto saanmang panig ng bansa.

Samantala sa weather forecast ng PAGASA ngayong Miyerkules (Aug. 9), makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra at Benguet.

Sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa, makararanas lamang ng isolated na pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.

Sinabi ng PAGASA na ngayong linggo itong ay maliit na ang tsansang may bagyo na papasok o mabubuo sa loob ng PAR. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *