Saging, P50 ipinangsuhol sa tauhan ng Coast Guard para makabiyahe ang overloaded na MB Aya Express

Saging, P50 ipinangsuhol sa tauhan ng Coast Guard para makabiyahe ang overloaded na MB Aya Express

Inamin ng kapitan ng MB Aya Express na sinuhulan niya ang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para makabiyahe ang bangka kahit may mga paglabag.

Sa pagdinig ng senado, tinanong ni Senator Raffy Tulfo ang kapitan ng bangka na si Donald Añain kung magkano ang ibinigay nito sa Coast Guard na suhol.

Ayon kay Añain, bumili lang siya ng P100 halaga ng saging at iniabot ito sa PCG personnel kasama ang P50 na “pang-meryenda”.

Ikinuwento din ni Añain sa senate committee na normal na sa kanilang isla ang pagbibigay ng mga bagay-bagay sa mga coast guard personnel gaya ng tinapay, sigarilyo o alak.

Maliban sa overloaded ang MB Aya Express, nadiskubre din na walang balidong lisensya mula sa Maritime Industry Authority (MARINA) si Añain.

Umabot sa 27 sakay ng bangka ang nasawi sa insidenteng nangyari sa Talim Island sa Binangonan Rizal noong nakaraang buwan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *