Valenzuela Station ng Pasig River Ferry balik-operasyon na
Balik na ang operasyon ng Valenzuela Station ng Pasig River Ferry matapos ang pagsasaayos ng pontoon nito dahil na napinsala ng nagdaang bagyo.
Ayon sa update Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), 11 istasyon ang operational para sa Pasig River Ferry Service.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
Pinagbuhatan
San Joaquin
Kalawaan
Guadalupe
Valenzuela
Hulo
Lambingan
Sta. Ana
Lawton
Escolta
Quinta
Samantala, pansamantalang wala pa ring biyahe sa 2 na istasyon na PUP at Maybunga. (DDC)