Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental.
Ang pagyanig ay naitala ng Phivolcs sa layong 319 kilometers southeast ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, 1:34 ng madaling araw ng Martes, Aug. 8.
May lalim na 1 kilometer ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito magdudulot ng aftershocks. (DDC)