Bagyo sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA
Isang tropical depression ang binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng bansa.
Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay huling namataan sa layong 2,820 kilometers east northeast ng extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at apgbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
Wala pa namang direktang epekto ang bagyo saanmang bahagi ng bansa.
Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw ng Martes (Aug. 8). makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman na may isolated n apag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ang mararanasang pag-ulan ay dulot ng Habagat. (DDC)