Dating DILG Usec. Martin Diño pumanaw na
Pumanaw na si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.
Kinumpirma ito sa pahayag sa social media ng kaniyang anak na si Liza Diño-Seguerra.
Ayon kay Diño-Seguerra, ang kaniyang ama ay pumanaw madaling araw ng Martes (Aug. 8).
Noong Hulyo, ibinahagi ni Diño-Seguerra sa publiko na ang kaniyang ama ay mayroong stage 4 cancer.
Si Diño ay nagsilbi bilang DILG Undersecretary sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Naging chairman din siya ng Violence Against Crime and Corruption (VACC). (DDC)