2 mataas na opisyal ng BuCor, sinibak sa puwesto

2 mataas na opisyal ng BuCor, sinibak sa puwesto

Sinibak ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang, Jr. sina Officer-in-Charge (OIC)- Deputy Director General for Administration C/Superintendent Geraldo Aro at OIC-Deputy Director for Operations and Head Executive Assistant J/SInsp. Angelina L. Bautista habang gumugulong ang imbestigasyon.

Nitong Agosto 5,inutos ni Catapang kay Deputy Director General for Administration Gen. Al I Perreras na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa pahayag ni Congressman at Chairman Dan Fernandez at ng mga miyembro ng Committee on Public Order and Safety sa gitna ng motu proprio inquiry noong Agosto 3 sa umano’y mga alegasyon laban kina Aro at Bautista.

Sinabi naman ni Bautista na bukas siya para sa imbestigasyon upang linisin ang kanyang pangalan dahil wala naman umano siyang itinatago.

“ I ask that I be relieved of my position so as not to taint the good name of our Director General,” ani Bautista sa media.

Si Aro ay sinibak sa kanyang tungkulin bilang superintendent ng Davao Prison and Penal Farm (DPPF).

Inatasan si Aro na magreport sa Office of the Director General para sa instruction habang inutusan naman si Bautista na magreport sa Office of the DDG para sa administrasyon ng wastong disposisyon nito.

Batay sa kautusan ang deputy ni Aro na si si C/Supt. Rufino Martin ay itinalagang acting Superintendent ng DPPF habang si CT/Supt. Maria Fe Marquez naman ang magsisilbing acting HEA para sa kasalukuyang kapasidad bilang OIC-Deputy Director General for Reformation.

Ang iba pang pagbabago sa BuCor ay ang pagkakatalaga nina C/Supt Celso S. Bravo bilang OIC-Deputy Director General, CT/Supt. Elsa Alabado, Deputy Director for Administration na magsisilbing Acting Director for Administration.

Si Villanueva na tinanggal na OIC-Deputy Director General for Reformation ay magpapatuloy sa kanyang tungkulin at responsibilidad bilang Director for Health and Services at Chief ng New Bilibid Prison Hospital (NBPH).

Inalis din sa puwesto sina C/SSupt Gerardo Padill bilang Deputy Director ng BuCor Land Control and Management Center (BLCMC) at itinalaga na bagong Director for Security Operations at Maria Cielo Mansalud bilang Chief, Planning and Statistics Division na inilipat bilang Director for Planning and Management.

Inihayag pa ni Catapang na ang imbestigasyon ay magbibigay ng tsansa sa dalawang BuCor senior officials na malinis ang kanilang mga pangalan at patunuyang inosente.

“I have given Perreras until end of this month to finish his investigation,” ani Catapang. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *