Pilipinas nagpadala ng note verbale sa China – PBBM
Nagpadala ng note verbale ang pamahalaan sa China kasunod ng pinakabagong insidente sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos jr. nakipagkita si Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo kay Chinese Ambassador Huang Xilian at nagdala ng note verbale.
Kasama ding ibinigay kay Huang ang mga larawan at video kung saan makikita ang pangha-harass ng barko ng China Coast Guard sa barko ng Pilipinas.
Tiniyak ng pangulo na patuloy na igigiit ng pamahalaan ang territorial rights sa West Philippine Sea.
Noong August 5, nagsagawa ng dangerous maneuvers ang barko ng China at ginamitan pa ng water cannons ang barko ng PCG.
Nagsasagawa noong ng pag-escort ang PCG sa mga chartered supply boats ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maghahatid ng suplay sa mga sundalo na naka-destino sa Ayungin Shoal. (DDC)