Publiko binalaan ng DFA sa pekeng e-Visa Website
Binalaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko hinggil sa mga pekeng e-Visa Website.
Ayon sa DFA, nakarating sa kanila ang ulat na mayroong aktibong website na naglalaman ng misinformation tungkol sa e-Visa.
Sinabi ng DFA na ang lahat ng impormasyon tungkol sa e-Visa ay isasapubliko lamang sa pamamagitan ng kanilang official channels.
Ang Philippine e-Visa system ay ilulunsad pa lamang sa Philippine Foreign Service Posts sa China sa darating na August 24, 2023.
Sinabi din ng DFA na kasalukuyan pa itong inaayos ng ahensya sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT). (DDC)