Ambuklao dam at Binga dam nagpapakawala pa din ng tubig
Patuloy ang pagpapakawala ng tubig sa Ambuklao dam at Binga dam.
Sa update mula sa PAGASA Hydrology Division, ang water level ng Ambuklao dam ay 751.33 meters at mayroong isang gate na nakabukas.
Pinaalalahanan ng PAGASA ang mga residente sa Brgy. Ambuklao sa Bokod, Benguet na maaaring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig.
Ang Binga dam naman ay 574.30 meters ang water level at mayroong dalawang gate na nakabukas.
Ayon sa PAGASA, ang mga residente sa mabababang lugar sa Barangayas Dalupirip at Tinongan sa Itogon, Benguet ang maaaring maapektuhan.
Samantala, nadagdagan pa ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.
199.82 meters ang water level ng Angat dam.
Ang Ipo dam ay tumaas din ang antas ng tubig na nasa 100.75 meters.
Nadagdagan din ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 79.36 meters. (DDC)