P1.6M na halaga ng fuel subsidy ipamamahagi ng LTFRB sa PUV operators at drivers

P1.6M na halaga ng fuel subsidy ipamamahagi ng LTFRB sa PUV operators at drivers

Nakatakdang magpalabas ng P2.95 billion ang pamahalaan pafra sa fuel subsidy ng mga public utility vehicle (PUV) operators at drivers.

Ito ay para mabigyan sila ng tulong sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) 1,640,000 na PUV drivers ang makatatanggap ng fuel assistance, kabilang ang mga tricycle drivers at delivery riders.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, mamadaliin ang pagpapalabas at pamamahagi ng tulong-pinansyal sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa datos ng LTFRB mayroong 280,000 PUV drivers ang makatatanggap ng one time cash grant mula sa ahensya, habang 930,000 tricycle drivers at 150,000 delivery service riders ang makatatanggap naman ng tulong mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon sa DOTr, P10,000 ang ipamamahagi ng LTFRB sa Modern Public Utility Jeepney (MPUJ) and Modern UV Express (MUVE) drivers, habang P6,500 naman sa driver ng iba pang modes of transport.

Ang mga tricycle at delivery riders ay tatanggap naman ng P1,000 at P1,200 assistance. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *