Presyo ng Diesel tataas ng P4 kada litro
Muling magpapatupad ng dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Malaki ang itataas ng presyo ng diesel na P4 kada litro.
Una ng sinabi ng Oil Industry Management Bureau na ang pagtaas ng presyo ay dahil sa anunsyo ng Saudi Arabia na pagpapatupad ng production cut.
Samantala, tataas din ang presyo ng gasolina ng 50 centavos kada litro habang ang kerosene ay tataas ng P2.75 kada litro.
Ang price adjustment ay ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa Martes (Aug. 8) ng umaga. (DDC)