Filipino citizenship ng Canadian vlogger na si Kyle Jennerman aprubado na ni Pangulong Marcos

Filipino citizenship ng Canadian vlogger na si Kyle Jennerman aprubado na ni Pangulong Marcos

Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nagdedeklara sa sa Canadian vlogger na si Kyle Jennerman bilang Filipino citizen.

Ibinahagi ni Jennerman na kilala din sa tawag na “Kulas” ang kopya ng Republic Act. 11955 na ganap na inaprubahan ng pangulo noong August 4, 2023.

Ang nasabing panukalang batas ay una nang inaprubahan ng kamara at senado.

Si Kulas ang nasa likod ng Facebook page na “Becoming Filipino”.

Sa kaniyang FB page sinabi ni Kulas na hindi na siya makapaghintay sa pormal na oath taking ceremony para sa kaniyang pagiging Filipino citizen. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *