Magkasunod na may kalakasang pagyanig naitala sa Davao Occidental

Magkasunod na may kalakasang pagyanig naitala sa Davao Occidental

Nakapagtala ng dalawang may kalakasang pagyanig sa lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs unang naitala ang magnitude 4.1 na lindol sa 306 kilometers southeast ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, 1:34 ng madaling araw ng Lunes, Aug. 7.

May lalim na 78 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.

Sunod namang naitala ang magnitude 4.0 na lindol sa 327 kilometers southeast ng Sarangani Island, 1:49 ng madaling araw.

73 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic din ang origin.

Kapwa naman walang naitalang intensities sa dalawang magkasunod na pagyanig. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *