Gilas Pilipinas nakabawi sa Senegal
Nakabawi ang Gilas Pilipinas sa Senegal sa ikalawang paghaharap nila sa 2023 Heyuan WUS International Basketball Tournament sa China.
Tinalo ng Gilas ang Senegal sa score na 75-63.
Nag-ambag ng 14 points para sa koponan ng Pilipinas si CJ Perez, habang 12 points naman si Ramos.
Malaking bagay din ang walong puntos na ginawa ni Ray Parks sa 4th quarter ng laban.
Dahil sa panalo, naitala ng Pilipinas ang 2-1 standings nito sa pocket tournament.
Muli namang makakaharap ng Gilas ang koponan ng Iran. (DDC)