Barko ng China nagsagawa ng dangerous maneuvers; ginamitan pa ng water cannons ang barko ng PCG
Mariing kinondena ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ginawang dangerous maneuvers ng barko ng China Coast Guard sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Jay Tarriela, gumamit pa ng water cannons ang CCG laban sa barko ng PCG na nag-eescort sa mga bangkang na kinuha ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para mag-suplay ng pagkain, tubig at water, fuel at iba pang suplay sa military troops na nakadestino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sinabi ni Tarriela, maliban sa nalagay sa alanganin ang kaligtasan ng PCG crew at ng supply boats, malinaw ding paglabag sa international law, kabilang ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), 1972 Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS), at 2016 Arbitral Award ang ginawa ng barko ng China.
Nanawagan ang Coast Guard sa China Coast Guard na respetuhin ang sovereign rights ng Pilipinas sa exclusive economic zone nito.
Dapat din ayon kay Tarriela na iwasan ng CCG ang gumawa ng mga hakbang para pigilan ang freedom of navigation.
Sinabi ni Tarriela na kailgalangin ng China Coast Guard ang state obligations nito sa ilalim ng UNCLOS, COLREGs, at iba pang may kaugnayan sa international maritime safety and security. (DDC)