Emergency road repairs sa ilang bahagi ng EDSA Bus Carousel nagpapatuloy

Emergency road repairs sa ilang bahagi ng EDSA Bus Carousel nagpapatuloy

Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang “one-time, big-time” emergency road repairs sa ilang bahagi ng EDSA Bus Carousel.

Nagsagawa ng monitoring sa MMDA Communications and Command Center sina Acting Chairman Atty. Don Artes, Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan Jr. at General Manager Usec. Procopio Lipana sa isinasagawang asphalt overlay at road repairs ng DPWH.

Narito naman ang mga lugar na tapos na ang asphalt overlay:

EDSA Southbound
1. BBM Headquartes (near Octoboy) – BDO
2. Before Guadalupe Bridge (whole length)

EDSA Northbound
1. Corinthians (after AFP Camp Aguinaldo)
2. Before MMDA (Sunshine Media Marketing)
3. Guadalupe MRT – Guadalupe Bridge
4. Fronting Ricoa – Avida Towers

Paalala ng MMDA sa mga motorista, tatagal ang pagkukumpuni sa mga lubak at sirang bahagi ng EDSA Bus Carousel hanggang 5am ng Miyerkules, Agosto 9.

Dahil dito, asahan ang masikip na daloy ng traffic sa EDSA hanggang sa nasabing petsa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *