Motorbanca lumubog sa Romblon; 1 pasahero nasawi matapos atakihin sa puso
Rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa maritime incident sangkot ang MBCA KING STO. NIÑO 7 sa karagatang sakop ng Corcuera, Romblon.
Batay sa pahayag ng kapitan ng bangka na si Jose Moreno Sr., MBCA KING STO. NIÑO 7, pinasok ng tubig ang bangka matapos na tumama sa kahoy habang sila ay naglalayag.
Umalis ang bangka sa Calatrava Port bound at patungo dapat sa Corcuera Port sakay ang 5 crew at 90 pasahero at isang motorsiklo.
Ang authorized passenger capacity nito ay 96 na katao.
Ayon sa Coast GUard, maayos ang kondisyon ng panahon nang maglayag ang bangka.
Nailigtas namang ng mga tauhan ng Coast Guard Station Romblon at Coast Guard Sub-Station Calatrava ang 89 na pasahero at 5 crew.
Tatlo sa mga ito ay nagtamo ng minor injuries.
Kinumpirma din ng PCG ang pagkasawi ng isang 55-anyos na pasahero makaraang atakihin sa puso. (DDC)