COVID-19 bivalent vaccine ibibigay na sa general population
Available na para sa general population ang COVID-19 bivalent vaccine.
Ayon kay Department of Health (DOH) Sec. Teodoro Herbosa, nagpasya ang kanilang executive committe na gawing available na sa publiko ang COVID-19 bivalent.
Ito ay dahil sa mababang bilang ng mga nagpapaturok ng initial dose ng bakuna na para sa mas nakahahawang Omicron variant.
May mga bakuna din na malapit ng ma-expire.
Una ng ginawang available ng DOH ang bivalent vaccine para sa mga senior citizen, at healthcare workers. (DDC)