Pagbagsak ng mga poste sa Binondo pinaiimbestigahan ng DILG sa BFP

Pagbagsak ng mga poste sa Binondo pinaiimbestigahan ng DILG sa BFP

Inatasan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos Jr. ang Bureau of Fire Protection (BFP) na imbestigahan ang nangyaring pagbagsak ng mga poste sa Binondo, Maynila.

Ang direktiba ni Abalos ay para kay BFP Chief Louie Puracan.

Tatlo ang nasugatan sa insidente at napinsala ang walong nakaparadang sasakyan.

Sa direktiba ni Abalos, sinabi nitong dapat makipag-ugnayan din ang BFP sa Meralco upang matiyak na naipagkakaloob nito ang tulong sa mga naapektuhang indibidwal.

Iniutos din ni Abalos sa lahat ng local government units (LGUs) na magsagawa ng inspeksyon sa mga poste sa kanilang nasasakupan, mga construction sites, billboards, at iba pang kahalintulad na installations na maaring bumagsak kapag nakaranas ng malakas na pag-ulan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *