Sa ikaanim na sunod na buwan, inflation muling bumagal; 4.7 percent inflation rate naitala noong Hulyo

Sa ikaanim na sunod na buwan, inflation muling bumagal; 4.7 percent inflation rate naitala noong Hulyo

Muling bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong nakaraang buwan ng Hulyo.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala noong nagdaang buwan ng Hulyo ang 4.7 inflation rate.

Mas mababa ito kumpara sa 5.4 percent inflation rate na naitala noong Hunyo at ikaanim na sunod na buwan na din na pagbaba ng inflation.

Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, pangunahing nag-ambag sa pagbagal ng antas ng inflation noong Hulyo ay ang mabagal na paggalaw ng presyo ng Housing, Water, Gas at iba pang Fuels.

Partikular dito ang pagbagal ng antas ng inflation sa kuryente at renta sa bahay.

Ayon kay Mapa, bumagal din ang paggalaw ng presyo ng food and non-alocoholic beverages, partikular ang presyo ng karne at isda. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *