Deadline na 60-araw para sa unclaimed license plates, hindi para sa mga motorista ayon sa LTO

Deadline na 60-araw para sa unclaimed license plates, hindi para sa mga motorista ayon sa LTO

Hindi ang mga motorista o mga may-ari ng sasakyan ang binigyan ng ultimatum ng Land Transportation Office (LTO) ng magbigay ito ng 60 araw na deadline sa pamamahagi ng mga hindi pa nakukuhang license plates.

Nilinaw ng LTO na ang ipinataw na 60-araw na deadline para resolbahin ang problema ng mga unclaimed license plates ay hindi para sa mga may-ari ng sasakyan kung hindi para sa mga opisyal ng ahensya at mga motor vehicle dealer.

Ito ay sa gitna ng mga pangamba ng mga motorista na sila ay mapaparusahan sakaling mabigo silang kuhanin ang kanilang mga plaka.

Ayon kay Atty. Vigor Mendoza II, ang direktiba ay para sa lahat ng LTO Regional Directors, District Chiefs, Offices at Extension Offices.

Ito ay para humanap sila ng paraan upang mabilis na maipamahagi ang unclaimed license plates sa loob ng dalawang buwan.

Sakop din ng kautusan ang mga car dealers at motorcycle dealers.

Ito rin ay alinsunod sa direktiba ni Transportation Secretary Jaime Bautista na simulan na ang pamamahagi ng mga plaka para makuha na ito ng mga may-ari ng sasakyan matapos ang mahabang pagka-antala.

Noong Martes, nagtungo si Mendoza sa Cebu para inspeksyunin ang libu-libong mga unclaimed license plate.

Nangako si Mendoza na kanilang iimbestigahan kung paano umabot sa 640,000 ang mga unclaimed license plate, kung saan 400,000 dito ay plaka ng mga motorsiklo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *