Mahigit 6,000 katao benepisyaryo ng Emergency Cash Transfer program ng DSWD sa Ilocos Norte
Nagpapaptuloy ang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamahagi ng tulong-pinansyal sa mga reisdente sa Ilocos Norte na naapektuhan ng Bagyong Egay.
Ang tulong ay sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) program ng ahensya.
Ayon sa DSWD Field Office 1, mayroong inisyal na bilang na 6,641 na benepisyaryo ng ECT sa nasabing probinsya.
Ang mga benepisyaryo sa programa ay pawang mayroong partially at totally damaged na bahay dulot ng nagdaang bagyo.
Ang ECT ay programa ng kagawaran na nagbibigay ng karagdagang tulong pinansyal sa mga naapektuhan ng kalamidad. (DDC)