400 kabataan nakinabang sa Oplan Libreng Tuli ng Las Piñas LGU
Aabot sa 400 na kabataan ang naserbisyuhan sa unang araw ng Oplan Libreng Tuli na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas City sa DRRMO Building Barangay Talon Dos, ngayong araw ng Huwebes, Agosto 3.
Pinangasiwaan ng mga doktor ng City Health Office (CHO) ang libreng pagtutuli sa mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod bilang pagpaprayoridad sa kanilang kapakanan at kalusugan.
Ayon pa sa lokal na pamahalaan itutuloy ang nasabing proyekto sa naturang gusali sa Agosto 5 at 11 mula alas-8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Pinapayuhan na makipag-ugnayan sa nakakasakop na barangay health center para sa registration at screening ng mga kabataang nagnanais na lumahok sa naturang programa. (Bhelle Gamboa)