P45M na halaga ng shabu nakumpiska sa Pasay City

P45M na halaga ng shabu nakumpiska sa Pasay City

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang isang kargamento na naglalaman ng ilegal na droga.

Tinatayang aabot sa P45,900,000 ang halaga ng shabu na natuklasan sa kargamento sa Paircargo Warehouse sa Pasay City.

Ang nasabing kargamento ay idineklarang naglalaman ng “African Cultura” galing ng Dubai, UAE at orihinal na nagmula sa Johannesburg, South Africa.

Naka-address ang kargamento sa isang consignee sa Makati City.

Nang isailalim ang kargamento sa x-ray screening at physical examination ng mga tauhan ng Paircargo Assessment team, nadisukbre na mayroon itong pillow cases, blankets, nuts, seeds, at jumbo peanuts kung saan itinatago ang crystalline substances.

Sa laboratory testing na ginawa ng PDEA ay nakumpirmang may lamang shabu ang package.

Dinala na sa PDEA ang mga ilegal na droga para magamit bilang ebidensya sa gagawing imbestigasyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *