Pag-IBIG nakapagtala ng record-high na P57B na home loan release
Nakapagtala ng record-high na P57.07 billion ang Pag-IBIG sa kanilang home loan releases sa unang anim na buwan ng taon.
Ayon sa ahensya, nakapag-release ng P57.07 billion na halaga ng home loans mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, na mas mataas ng 10 percento P5.11 billion kumpara sa parehong petsa noong 2022.
Ayon kay Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, sa pagtaas ng naipapalabas na halaga ng housing loan ng Pag-IBIG ay nangangahulugang dumarami din ang bilang ng mga Pinoy na nagkakaroon ng sariling bahay.
Sinabi ni Acuzar na dahil sa naipalabas na home loans ng Pag-IBIG sa unang anim na buwan ng taon, umabot sa 44,414 members ang nakakuha ng bahay.
Sa nasabing bilang ng mga miyembro, 5,748 o 13% ay pawang mula sa minimum-wage at low-income sectors.
Kumpiyansa naman si Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta, na sa ikalawang bahagi ng taon ay mapapanatili ng Pag-IBIG Fund ang pagtaas ng home loan releases. (DDC)