Bahagi ng NLEX sa Tulaoc, San Simon, Pampanga lubog pa rin sa tubig-baha
Mayroon pa ring tubig-baha sa bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) sa Tulaoc, San Simon, Pampanga.
Dahil dito ayon sa pamunuan ng NLEX nasa 5 to 10 kilometers per hour lamang ang usad ng mga sasakyan mula sa Candaba Viaduct hanggang sa Tulaoc Bridge (northbound).
Nasa 40cm ang lalim ng tubig-baha sa lugar.
Samantala, sa San Simon Southbound naman, umabot na sa 1.5 kilometers ang haba ng build ng mga sasakyan.
5 to 10 kilometers per hour lang din usad ng mga sasakyan sa southbound dahil sa tubig-baha na nasa 50cm ang lalim.
Ayon sa NLEX, patuloy pang tumataas ang water level ng Pampanga River. (DDC)