Kargamento na naglalaman ng mga palaka na nagkakahalaga ng mahigit P81K nakumpiska sa NAIA
Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang kargamento na naglalaman ng exotic wildlife.
Ang operasyon ay sa pakikipag-ugnayan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ang nakumpiskang kargamento ay naglalaman ng limang “Pacman frogs” na galing ng Malaysia at mayroong estimated market value na P81,795.
Ang kargamento ay idineklarang naglalaman ng “accessories” at naka-consign sa isang taga-San Pedro, Laguna.
Ayon sa BOC, ang unlawful trading ng exotic wildlife ay paglabag sa Republic Act (RA) No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at RA No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Kinumpiska ng mga otoridad ang limang “Pacman frogs” at ibigay sa pangangalaga ng DENR. (DDC)