Sistema sa pamamahagi ng plaka ng mga sasakyan, kailangang plantsahin ayon sa LTO

Sistema sa pamamahagi ng plaka ng mga sasakyan, kailangang plantsahin ayon sa LTO

Aminado ang Land Transportation Office (LTO) na may kailangang ayusin sa sistema ng distribusyon ng plaka ng mga sasakyan.

Ito ay makaraang madiskubre ni LTO chief Atty. Vigor Mendoza ang nasa 670,000 na license plates sa Cebu na hindi pa rin nakkukuha o naipapamahagi sa mga motorista.

Noong Martes ay nagsagawa ng inspeksyon si Mendoza sa Cebu at doon nakita ang mga naka-imbak na license plates na hindi na-claim.

Ayon kay Mendoza, target ng LTO na makapagpatupad ng maayos na sistema sa pamamahagi ng license plates upang agad makuha ng mga motorista sa sandaling dumating sa isang lugar.

Kung may maayos na sistema, sinabi ni Mendoza na hindi na lalapit pa sa mga fixer ang publiko.

Una ng sinabi ni Mendoza na target ng LTO na matapos ang pamamahagi ng mga unclaimed license plates sa Setyembre ng taong ito.

Inaalam na din aniya ng LTO ang posibleng mga dahilan kung bakit hindi nakukuha ang mga plaka ng sasakyan na ang iba ay taong 2018 pa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *