Drug den nabuwag, 5 suspek arestado sa Taguig drug bust
Nabuwag ng otoridad ang isang drug den at naaresto ang limang suspek sa isinagawang joint anti-illegal drug operation sa Taguig City ngayong Agosto 2.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) District Director, Brigadier General Roderick D. Mariano ang mga suspek na sina Maria Elaine Gorospe Alcala,alyas Len-Len, 34-anyos; Realym Salomon Recardo, 29-anyos; Tracy Cunahap Bersuela, 21-anyos; Joan Mae Cabutad Trilles, 24-anyos, at Mark Edison Vilasco Olalo, 24-anyos.
Dakong ala-1:45 ng madaling araw ng Miyerkules ikinasa ang joint anti-illegal drug operation ng mga tauhan ng SPD Drug Enforcement Unit, DID-SPD, DSOU-SPD, DMFB-SPD, Taguig City Police SDEU sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency – Southern District Office (PDEA-SDO) sa sinasabing drug den sa Cuasay St., Barangay North Signal Village, Taguig City.
Nakumpiska ang 20 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng ₱140,080, buy-bust money at isang cellphone.
Inihahanda na ng ototridad ang pagsasampa ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga naarestong suspek. (Bhelle Gamboa)