16 na road sections sa CAR, Regions 1 at 3 hindi pa rin madaanan dahil sa pinsala ng bagyong Egay at Habagat
Labinganim na kalsada pa ang nananatiling sarado sa trapiko dahil sa naging epekto ng bagyong Egay at ng Habagat.
Sa situational report ng Department of Public Works and Highways (DPWH), mayroong 9 na kalsada ang sarado pa rin sa Cordillera Administrative Region (CAR), 4 sa Region 1 at 3 sa Region 3.
Ito ay dahil sa mga insidente ng pagguho ng lupa, natumbang puno, road slip, road cut, damaged slope protection, nasirang tulay, baha at iba pa.
Mayroon ding labingisa pang road sections ang limitado lamang ang access o hindi pa lubusang nabubuksan sa mga motorista.
Ito ay mula din sa tatlong nabanggit na rehiyon.
Ayon sa DPWH, ang mga national roads at tulay sa iba pang mga rehiyon na naapektuhan ng bagyo ay passable naman na sa lahat ng uri ng mga sasakyan. (DDC)