Panukalang budget para sa taong 2024 isinumite ng ng DBM sa Kamara

Panukalang budget para sa taong 2024 isinumite ng ng DBM sa Kamara

Pormal ng isinumite ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman sa Kamara ang panukalang P5.768 trillion na national budget para sa taong 2024.

Pinangunahan ni Pangandaman at House Speaker Martin Romualdez ang ceremonial turnover ng National Expenditure Program (NEP) para sa Fiscal Year (FY) 2024.

Sa ilalim ng Saligang Batas, ang national budget ay dapat maisumite sa Kongreso sa loob 30-araw matapos ang State of the National Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang panukalang budget para sa taong 2024 ay mas mataas kumpara sa P5.268 trillion na budget noong 2023.

Sa taong 2024, pinaglaanan ng pinakamalaking budget, ang sektor ng edukasyon sa halagang P947.7 billion kasunod ang department of Public Works and Highways (DPWH) sa halagang P822.2 billion.

Ang panukalang budget ay layong mapondohan ang mga proyekto at programa ng administrasyong Marcos sa sektor ng edukasyon, kalusugan, agriculture infrastructure at iba pa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *