Lalawigan ng Bulacan isinailalim na din sa state of calamity

Lalawigan ng Bulacan isinailalim na din sa state of calamity

Isinailalim na din sa state of calamity ang buong lalawigan ng Bulacan.

Ito ay matapos na aprubahan ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang kautusan na nagdedeklara ng state of calamity sa lalawigan dahil naging pinsala ng Habagat na pinalakas ng bagyong Falcon.

Sinabi ni Fernando na umabot na sa P80 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura habang sa livestock ay umabot na sa P3 million.

Sa resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan, umabot na sa 228,648 na pamilya sa lalawigan ang naapektuhan.

Sa talaan naman ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) mayroong 21,367 na katao o 5,631 na pamilya ang inilikas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *