“Warning system” sa mga PUVs kapag may bagyo pinag-aaralan ng LTO

“Warning system” sa mga PUVs kapag may bagyo pinag-aaralan ng LTO

Pinag-aaralan ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng “warning system” sa public utility vehicles kapag mayroong bagyo at iba pang kalamidad.

Ayon kay LTO chief Asst. Secretary Atty. Vigor Mendoza II, plano ng ahensya na magkaroon ng katulad ng “no sea travel policy” sa mga sasakyang pandagat kapag ang epekto ng bagyo ay delikado sa mga lansangan.

Sa ilalim ng sistema na target ipatupad, makikipag-ugnayan ang LTO sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at sa local disaster risk reduction and management offices para sa kondisyon ng mga lansangan na nasa ruta ng mga PUV.

Ayon kay Mendoza, maglalabas ng listahan ng mga kalsada na landslide at flood-prone kapag masama ang panahon.

Layunin nito ani Mendoza na maabisuhan ng maaga ang mga PUV driver lalo na ang mga bus driver hinggil sa kondisyon ng kalsada na kanilang daraanan.

Sa ganitong paraan sinabi ni Mendoza na maiiwasan na ma-stranded sa mga terminal ang mga pasahero. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *