Mahigit 10,000 galon ng malinis na inuming tubig naipamahagi na ng MMDA sa Ilocos, Abra at Benguet
Patuloy ang ginagawang pamamahagi ng Metropolitan Manilapolitan Manila Development Authority (MMDA) Response team ng malinis na inuming tubig sa mga residente na apektado ng bagyong Egay sa ilang barangay sa Ilocos, Abra, at Benguet.
Sa ngayon, mahigit sa 10,000 gallons na ng inuming tubig ang naipamahagi sa 2,704 pamilya sa mga lugar kung saan kulang ang suplay nito.
Ilan sa mga lugar na kanilang naserbisyuhan ay ang mga sumusunod:
Laoag, Ilocos Norte:
Brgy. La Paz 33B,32A,32B, 32C, 33A; Brgy San Juan at Brgy. Poblacion 2 sa munisipalidad ng Pasuquin; Brgy. Gabu Norte 34a, 34b, Gabu Sur
Kabayan, Benguet:
Brgy. Duacan at Brgy. Gusaran,
Bangued, Abra:
Brgy. BaƱacao at Brgy. San Antonio
Dalawang team ang ipinadala ng MMDA sa Ilocos, habang tig-isang team naman ang ipinadala sa Abra at Kabayan, Benguet.
Tutulong din sila sa road clearing operations sa mga lugar na nagkaroon ng pagbaha at landslide.
Bitbit ng MMDA team ang ilang kagamitan tulad ng 50 units ng water purifiers, chainsaw, rotary saw, generator, rechargeable light, at iba pa. (DDC, Bhelle Gamboa)