Mahigit 100 lugar sa bansa nakasailalim sa state of calamity
Mahigit 100 lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang nakasailalim sa state of calamity dahil sa naging epekto ng bagyong Egay at Habagat na pinalakas ng bagyong Falcon.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 113 na kinabibilangan ng barangay, lungsod at munisipalidad mula Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Cordillera Administrative Region (CAR).
Kabilang sa nagdeklara ng province-wide state of calamity ay ang Ilocos Norte, Pampanga, Cavite, Abra, at Mt. Province.
Inanunsyo din ng Cagayan Provincial Information Office na nagdeklara na ng state of calamity sa buong lalawigan. (DDC)