e-Visa system ilulunsad ng DFA at DICT ngayong buwan

e-Visa system ilulunsad ng DFA at DICT ngayong buwan

Nakatakdang ilunsad ng Department of Foreign Affairs (DFA) katuwang ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ang e-Visa.

Ayon sa DFA, bahagi ito ng pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na mas padaliin ang mga proseso sa mga ahensya ng gobyerno at bilang tulong upang mapalakas ang tourism industry.

Ang soft launching ng e-Visa system sa Philippine Foreign Service Posts sa China ay gagawin sa August 24, 2023.

Simula Dec. 2022 ay nagtutulungan na ang DFA at DICT para sa e-Visa system.

Gamit ang e-Visa ang mga dayuhan ay maaaring makapasok sa bansa para sa tourism o business purpose sa pamamagitan ng pag-apply ng temporary visitors’ visas remotely gamit ang personal computers, laptops, at mobile devices. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *