Operasyon ng mga sasakyang pandagat sa mga pantalan sa bansa, balik na sa normal
Balik na sa normal ang operasyon ng mga sasakyang pandagat sa mga pantalan sa bansa.
Ayon sa update mula sa Philippine Coast Guard (PCG), ngayong Martes (Aug. 1) ng umaga ay ang kanilang Command Center ay wala ng na-monitor na stranded pasahero, barko, rolling cargoes, at motorbancas sa lahat ng pantalan sa bansa.
Sinabi ng PCG na nag-resume na sa normal na operasyon ang mga sasakyang pandagat.
Magugunitang nagdulot ng pagka-stranded ng mga pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa ang bagyong Egay, gayundin ang patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat na pinalalakas ng bagyong Falcon. (DDC)