MMDA handang ilahad ang mga plano para sa rehabilitasyon ng Pasig River
Nakahanda ang Metropolitan Development Authority (MMDA) na ilahad ang mga plano nito para sa rehabilitasyon ng Pasig River.
Ang MMDA ay bahagi ng Inter-Agency Council or the Pasig River Urban Development na binuo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bahagi ng pagtugon ng administrasyon sa pangangailangang agarang rehabilitasyon ng Pasig River.
Ang inter-agency council ay magiging responsable para sa pagpapadali at pagtiyak ng ganap na rehabilitasyon ng riverbanks, sa kahabaan ng Pasig River water system at mga kalapit na water systems.
Pamumunuan ng kalihim ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang inter-agency council habang ang MMDA chairman ang magsisilbing vice chair, base sa Executive Order (EO) No. 35 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Ang inter-agency council ay mayroong 13 miyembrong ahensiya tulad ng DPWH, DENR, DILG, DOT, DOTr, DOF, DBM, NHCP, NCCA, PPA, PCG, LLDA at TIEZA. (DDC, Bhelle Gamboa)