Halaga ng pinsala ng bagyong Egay sa pananim umabot na sa P1.94B
Umabot na sa mahigit P1.94B million ang halaga ng pinsala ng bagyong Egay sa mga pananim.
Ayon sa datos mula sa Department of Agriculture (DA) mahigit 147,000 na ektarya ng pananim at mahigit 123,000 na magsasaka at mga mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.
Kabilang sa nasira ang P949.5 million na halaga ng pananim na palay at P734.5 million na halaga ng pananim na mais.
Mayroon ding mga nasirang high value crops na aabot sa P200.8 million.
Naapektuhan din ang P11.7 million na halaga ng livestock at poultry.
Kabilang dito ang mga alagang manok, bibe, cattle, kalabaw, kambing, tupa at iba pa.
Samantala sa sektor naman ng “fisheries” aabot sa P22.9 million ang naitalang halaga ng pinsala. (DDC)