Bagyong Falcon napanatili ang lakas; lalabas ng bansa ngayong araw
Napanatili ng Typhoon Falcon ang lakas nito habang kumikilos patungo sa karagatan ng Okinawa Islands.
Sa 5AM weather bulletin ng PAGASA, ang epicenter ng bagyo ay huling namataan sa layong 925 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong
Northwest.
Ayon sa PAGASA, dahil sa lawak ng hangin ng bagyong Falcon, posibleng magtaas pa ng Tropical Cyclone Wind Signal sa Batanes.
Patuloy ding palalakasin ng bagyo ang Habagat na magdudulot ng masungit na panahon sa maraming lugar.
Ngayong araw ng Martes (Aug. 1) makararanas ng pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, central at southern portions ng Aurora, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, malaking bahagi ng Ilocos Region, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas.
Bukas araw ng Miyerkules (Aug. 2), makararanas pa din ng pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Nueva Vizcaya, Aurora, Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, western portion ng Northern Samar, at malaking bahagi ng Cordillera Administrative Region at Western Visayas.
Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw. (DDC)