Bagyong Falcon lumakas pa; habang nasa Philippine Sea

Bagyong Falcon lumakas pa; habang nasa Philippine Sea

Lumakas pa ang Typhoon Falcon habang nananatili sa Philippine Sea.

Sa 5PM weather bulletin ng PAGASA, ang epicenter ng bagyo ay huling namataan sa layong 1,020 kilometers East Northeast ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 165 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong
North Northwest.

Ayon sa PAGASA ang Habagat na pinalalakas ng Typhoon Falcon ay magdudulot ng pag-ulan sa western portion ng Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw pa.

Bukas araw ng Martes (Aug. 1) makararanas ng pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, central at southern portions ng Aurora, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, malaking bahagi ng Ilocos Region, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas.

Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *