Bangka na ginamit ng apat na nawawalang rescuers ng Coast Guard natagpuan sa Aparri, Cagayan

Bangka na ginamit ng apat na nawawalang rescuers ng Coast Guard natagpuan sa Aparri, Cagayan

Natagpuan sa katubigan ng Brgy. Fuga, Aparri, Cagayan ang Aluminum Boat na ginamit ng apat na nawawalang recuers ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ang naturang bangka ang sinakyan ng PCG rescuers upang magsagawa sana ng Rescue Operations sa natangay at nabahurang MTUG IROQUIS sa bukana ng Cagayan river sa Aparri, Cagayan noong kasagsagan ng Bagyong Egay.

Ayon sa report, habang naglalayag ang MV EAGLE FERRY sa karagatan ng Cagayan patungo sa isla ng Calayan, namataan ang Aluminum Boat na palutang-lutang halos humigit kumulang pitong milya mula sa Isla ng Calayan.

Agad naman itong hinila ng crew ng naturang barko at agad namang nai-turnover ang naturang Aluminum boat sa mga tauhan ng Coast Guard Station Calayan.

Samantala, patuloy parin ang isinasagawang Search and Rescue operations ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard katuwang ang iba’t-ibang sangay ng gobyerno upang matagpuan ang mga nawawalang PCG rescuers sa mas lalong madaling panahon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *