Maraming lugar sa Luzon nakapagtala ng “low” positivity rate sa COVID-19
Bumaba pa ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila at maraming lalawigan sa Luzon.
Mula sa 3.3 percent noong July 22 ay bumaba sa 2.7 percent ang positivity rate sa NCR noong July 29.
Pawang nakapagtala din “low” positivity rates sa iba pang lalawigan sa Luzon.
Kabilang dito ang mga sumusunod na lalawigan:
Batangas (3.5 percent)
Bulacan (3.2 percent)
Cavite (3.8 percent)
La Union (3.2 percent)
Pampanga (4.5 percent)
Quezon (2.4 percent)
Rizal (2.1 percent)
Ang iba pang lalawigan sa Luzon ay pawang nakapagtala naman ng “moderate” positivity rates. (DDC)