Bagyong Falcon lumakas pa; habagat magpapaulan pa din sa malaking bahagi ng bansa

Bagyong Falcon lumakas pa; habagat magpapaulan pa din sa malaking bahagi ng bansa

Lumakas pa ang Typhoon Falcon habang ang Habagat na pinalalakas nito ay inaasahang magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.

Ang epicenter ng bagyo ay huling namataan sa layong 1,070 kilometers East ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 185 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong
North Northwest.

Ayon sa PAGASA ang Habagat na pinalalakas ng Typhoon Falcon ay magdudulot ng pag-ulan sa western portion ng Luzon sa susunod na tatlonga raw pa.

Ngayong araw ng Lunes (July 31) makararanas ng pag-ulan sa Zambales, Bataan, Cavite, Lubang Island, Kalayaan Islands, Cuyo Islands, Romblon, northwestern portion ng Antique, Camarines Sur, at Albay.

Bukas naman araw ng Martes (Aug. 1) uulanin din ang Batanes, Babuyan Islands, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, the central and southern portions of Aurora, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, malaking bahagi ng Ilocos Region, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Western Visayas.

Inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *