Green card program ng Las Piñas pinalakas pa

Green card program ng Las Piñas pinalakas pa

Upang palakasin ang pagkuha ng pangangalagang pangkalusugan ng mga residente,inanunsyo ng Pamahalaang Lokal ng Las Piñas ang pagpapalawak pa ng kanyang green card program.

Sa pangunguna ng City Health Office ang ganitong inisyatibo ay nagbibigay ng mahalagang mga subsidiya para sa hospital bills at diagnostic services, na importante sa pagpapagaan sa hirap ng pagdadala ng pinansiyal na suliranin ng mga indibiduwal na naghahanap ng medikal na gamutan.

Bilang pagkilala sa kahalagahan ng komprehensibong healthcare coverage, inilabas ng Las Piñas LGU ang pinakabagong listahan ng accredited facilities sa ilalim ng kanyang Green Card Program.

Kabilang sa green card accredited hospitals ay ang Perpetual Help Medical Center; Las Piñas Doctors Hospital; Las Piñas City Medical Center; San Juan De dios Hospital; Philippine General Hospital;
Pamplona Hospital & Medical Center; at Christ the King Medical Center – Unihealth Las Piñas habang accredited diagnostic center naman ang Hi-Precision Diagnostics.

Layunin ng pagpapalawak ng programa ay para makapaghatid ng maraming pangangailangang medikal upang siguruhing makakakuha ang lahat ng residente sa lungsod ng dekalidad na medical services sa kabila ng kakulangang pinansiyal. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *