Higit P5.9 M ‘shabu’ sa parcel nasabat sa warehouse sa Pasay

Higit P5.9 M ‘shabu’ sa parcel nasabat sa warehouse sa Pasay

Nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police- Drug Enforcement Group (PNP-DEG) ang 878 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5,970,400 na isinilid sa isang parcel sa isingawang interdiction operations sa DHL Express Warehouse, Andrews Avenue, sa Pasay City nitong July 27.

Ang parcel na sinasabing naglalaman ng ilegal na droga ay ipinadala ng isang Cherry Aguiling, ng Blk 9 Lot 35 Meadow Park Subd., Molino 4, Bacoor, 4102 Cavite para sa nagngangalang Raymond Dulla,sa 2218 P. Binay St., Bangkal, Makati City at Gordon Wood, ng 92 Rusden Rd., Mount Riverview NSW 2774, Australia.

Agad na kinumpiska ng operatiba ang umano’y ilegal na droga; dalawang electric hair dryers na may pitong improvised pouches; dalawang electric hair brushes na may tatlong improvised pouches; at tatlong
eyelash sets.

Dibala ang nga narekober na ebidensiya sa tanggapan ng PDEA para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon nito.

Naging matagumpay ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Ninoy Aquino International Airport Interagency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) kung saan ang PDEG ay isa sa mga miyembrong ahensiya. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *