Bagyong may international name na Khanun aabot sa typhoon category; palalakasin din ang Habagat
Lalakas pa at magiging typhoon ang bagyong nasa labas pa ng bansa at may international name na Khanun.
Ayon sa PAGASA, ang abgyo ay maaaring pumasok sa bansa Sabado (July 29) ng gabi o sa Linggo (July 30) ng umaga.
Pagpasok ng bansa ay papangalanan itong “Falcon”.
Sinabi ng PAGASA na posibleng west northwest o northwest ang maging kilos ng bagyo.
Sa ngayon hindi naman nakikita ng PAGASA na magtataas ng wind signal dahil sa nasabing bagyo.
Gayunman, maaaring palakasin din nito ang epekto ng Southwest Monsoon na magdudulot ng pag-ulan sa western portions ng Luzon at Visayas. (DDC)