Search and rescue/retrieval operation sa Talim Island, Binangonan ipinagpatuloy ngayong araw

Search and rescue/retrieval operation sa Talim Island, Binangonan ipinagpatuloy ngayong araw

Dalawampu’t anim ang kumpirmadong patay sa insidente ng pagtaob ng bangka sa Talim Island sa Binangonan Rizal.

Batay ito sa impormasyon mula sa Coast Guard Sub-Station Binangonan.

Ayon sa datos, 40 ang nailigtas habang 26 ang kumpirmadong patay.

Sa mga na-recover na nasawi, 14 ang nakilala na habang 12 ang tinutukoy pa ang pagkakakilanlan.

Sinabi ng PCG na 42 ang maximum capacity ng bangka at 22 ang nakadeklara sa manifesto.

Ayon sa PCG, 1:10 ng hapon ng Huwebes, July 27 ng mabigyan ng clearance ang bangka para makapaglayag.

1:30 ng hapon ng umalis ang bangka at 1:40PM ng iulat ang insidente.

1:58PM ng hapon nang magdeploy ng mga tauhan ang PCG at 2:20 ng hapon dumating sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Magsasagawa naman ng parallel investigation ang PCG at ang Philippine National Police (PNP) sa nangyari. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *