Halaga ng pinsala ng bagyong Egay sa pananim umabot na sa P53.1M

Halaga ng pinsala ng bagyong Egay sa pananim umabot na sa P53.1M

Umabot na sa mahigit P53.1 million ang halaga ng pinsala ng bagyong Egay sa mga pananim.

Ayon sa datos mula sa Department of Agriculture (DA) mahigit 3,100 na ektarya ng pananim ang naapektuhan ng bagyo.

Kabilang sa nasira ang P20.8 million na halaga ng pananim na palay at P31.1 million na halaga ng pananim na mais.

Naapektuhan din ang P1.2 million na halaga ng livestock at poultry.

Patuloy pa ang ginagawang monitoring at pagsasagawa ng assessment ng DA sa pinsala ng bagyo sa agrikultura at sa fishery sector.

Samantala, naghanda na din ang kagawaran ng rice, corn at assorted vegetable seeds na ipapamahagi sa mga apektadong magsasaka.

Gayundin ang fingerlings para naman sa mga apektadong mangingisda. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *